피해자식별지표 등 번역(필리핀-따갈로그어)
페이지 정보
본문
피해자식별지표 등 번역(필리핀-따갈로그어) |
□
1. Pangkalahatang Pamantayan ng Paglalapat A. Ang Mga Tagapagpahiwatig ng Pagkilala sa Biktima ay isang pangkalahatang indeks na binuo upang suportahan ang mabilis at tumpak na proseso ng pagtuklas at pagsisiyasat ng mga biktima ng human trafficking, atbp. (mula rito ay tutukuyin bilang "mga biktima"). Ang mga pampublikong opisyal at iba pa na itinalaga sa ilalim ng Artikulo 13, Talata 1 ng Batas ay dapat na aktibong gamitin ang mga checklist sa ibaba para sa "gawain", "paraan", at "layunin" upang matukoy kung ang isang tao ay biktima sa mga kaso kung saan sila ay pinaghihinalaan o nakatanggap ng ulat ng human trafficking at iba pang kaugnay na krimen. B. Ang pinuno ng kaugnay na ahensya alinsunod sa Artikulo 13, Talata 1 ng Batas ay maaaring magdagdag o baguhin ang mga item ng tagapagpahiwatig mula sa pananaw ng biktima, isinasaalang-alang ang nasyonalidad, kasarian, edad, at mga katangian ng trabaho ng taong biktima ng human trafficking at iba pang kaugnay na krimen (mula rito tutukuyin bilang "potensyal na biktima"). C. Alinsunod sa proviso sa huling bahagi ng Artikulo 2, Talata 1 ng Batas, ang mga bata, teenager, o mga may kapansanan ay maaaring ituring na mga biktima kahit na hindi sila napapasailalim sa mga kategoryang 'paraan' sa mga tagapagpahiwatig sa ibaba. D. Kahit na ang isang potensyal na biktima ay sumang-ayon sa bawat item ng ‘gawain’, ‘paraan’, at ‘layunin’, hindi ito makakaapekto sa pagkumpirma bilang isang biktima. 2. Detalyadong mga item ng Mga Tagapagpahiwatig ng Pagkilala sa Biktima A. Ang mga bagay na naaayon sa mga ‘gawain’ tulad ng human trafficking ay ang mga sumusunod.
B. Ang mga bagay na naaayon sa mga ‘paraan’ tulad ng human trafficking ay ang mga sumusunod.
Kabilang sa mga elementong ‘paraan’ sa itaas, ang mga halimbawa ng ‘iba pang katumbas na paraan’ ay ang mga sumusunod. □ Ekonomikong Pagkontrol ○ Ang labis na multa ay ipinataw sa pamamagitan ng paggamit ng mga hindi patas na tuntunin sa lugar ng trabaho. ○ Imposible ang paghinto sa trabaho dahil sa bigat ng utang para sa pagbiyahe at mga kaugnay na gastos na natamo sa proseso ng paglipat (paghahanda ng mga sertipiko, pagpapa-isyu ng visa, pamasahe, bayad sa tirahan, deposito sa pag-alis, atbp.). ○ Hindi nila natanggap nang maayos ang kanilang sahod o hindi sila binigyan ng pagkakataon na pamahalaan ang kanilang sariling sahod. □ Pisikal na Pagkontrol ○ Nasa ilalim ng sekswal o pisikal na karahasan, o paulit-ulit na pagmumura ng employer, mga may koneksyon sa may-ari, broker, o kinatawan ng lugar ng trabaho. ○ Pinilit na gumawa ng trabaho nang wala sa mga kondisyon ng kontrata o hindi napagkasunduan, o pinagtrabaho kahit tapos na ang oras ng trabaho. ○ Anuman ang kanilang kalooban, inilipat sila mula sa isang negosyo patungo sa isa pa, mula sa isang establisyimento (prostitusyon, establisyimento ng entertainment, massage parlor, club, atbp.) patungo sa isa pa, o pinagtrabaho sa iba't ibang lugar. ○ Sila ay sinusubaybayan, ang mga employer at iba pang mga tao ay malayang pumapasok at lumalabas sa kanilang kuwarto. ○ Ang pagkain, tubig, at pang-araw-araw na pangangailangan ay pinaghigpitan, pati na rin ang mga serbisyong medikal. ○ Sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan, sila ay ikinulong at hindi malayang makagalaw dahil sa mga kagamitang pangseguridad tulad ng mga rehas sa bintana, naka-lock na pinto, at elektronikong pagmamanman. ○ Kinakailangan ang pahintulot na lumabas, at kailangang samahan ng isang tao na kahit na labag sa kanilang kalooban. Bukod pa rito, kinakailangan nilang humingi ng pahintulot para makipag-usap sa mga tao sa labas (pagpapalitan ng mga mensahe, pagtawag, paggamit ng mobile phone, atbp.). ○ Hindi hawak ang kanilang mga dokumento ng pagkakakilanlan tulad ng pasaporte at ID, at kahit hilingin nila ang mga ito ay tinatanggihan sila. □ Emosyonal na Pagkontrol ○ Hindi nila kayang huminto sa trabaho dahil sa mga banta sa kanila, sa kanilang pamilya, o sa kanilang mga kakilala. ○ Tinakot silang ipadeport sa ibang bansa o ipadala sa mas masamang lugar. ○ Tinakot sila na kapag sila ay magsusumbong sa pulis ay ipapalabas nilang sila pa ang makukulong dahil sa mga ilegal na gawain (tulad ng prostitusyon, ilegal na pananatili, o paggawa ng krimen). ○ Sinasabihan sila ng mga bagay upang mawalan sila ng tiwala sa pulisya, tulad ng pagsasabi na walang silbi ang pag-uulat sa pulisya dahil may kakilala sila sa ahensya ng imbestigasyon o korte. ○ Binantaan sila na kapag sila ay tumakas mula sa establisyimento (prostitusyon, establisyimento ng entertainment, massage parlor, club, atbp.), ang katotohanan ng prostitusyon ay malalantad sa kanilang pamilya at mga kakilala, o kukuhanan sila ng larawan o video na maaari nilang maramdaman ang sekswal na kahihiyan. ○ Hindi alam ang kasalukuyang address o lokasyon, at hindi magawang makipag-usap dahil sa takot sa employer.
|
Mga Tagapagpahiwatig para sa Pagkilala at Proteksyon ng mga Biktima (mula rito, tutukuyin bilang Mga Tagapagpahiwatig ng Pagkilala sa Biktima)
첨부파일
-
9.피해자 식별지표 외국어 필리핀-따갈로그어 번역 최종.hwp (89.0K)
4회 다운로드 | DATE : 2024-08-23 16:51:27
- 이전글피해자식별지표 등 번역(인도네시아어) 24.08.23
- 다음글피해자 식별지표 등 번역 (네팔) 24.08.23